Lunes, Pebrero 27, 2012

                                       Rehiyon at kultura sa asya







  • Japan-maituturing na pinakamodernong bansa sa asya ang Japansubalit nananatili ang impluwensya ng relihiyon sa kanyang tradisyon.Itinuturo pa rin sa mga haponesa ang pagsuot ng tradisyunal na damit na kimono at obi.

Babaing nakasuot ng kimono
-Dinudumog pa rin ng milyung milyong hapones ang mga dambanang shinto at templong buddhist.
 
Dambanang shinto

Ang buddhist temple o Ise shrine

  • Vietnam-makikita sa mga bansang buddhist, partikular sa timog silangang asya,na hindi lamang sa personal na kaligtasan ang mahalaga kundi pagpapabuti sa kondisyon ng pang araw-araw na pamumuhay.Malaki rin ang epekto ng buddhism sa mga patakarang pambansa.Kadalasang nangungu na ang mga mongheng buddhist sa mga protestang pulitikal.Sa vietnam naging aktibo ang mga monghe sa pagiging nasyonalista ng mga vietnamese.Isang katibayan nito ang pagsusunog sa sarili o self-immolation.









Ang self immolation ni Thich Quang Duc noong 1963


  • India-isa sa mga tradisyon ng mga hindu ang suttee o pagsama ng nabalong babae sa pagsunog o cremation ng labi ng asawang namatay.Bagamat ipinagbabawal ng pamahalaang Ingles ang suttee noong 1829 pa,noon lamang 1987 may kaso ng suttee ang nangyari,ito ay nagpapatunay na sa kabila ng batas na nagbabawal dito hindi nawawala ang ganitong tradisyon ng mga hindu.Noong 1987 nagpakamatay si Roop kanwar(nabalong babae)sa paggamit ng suttee. Wala pa sila isang taong kasal ng mamatay ang kanyang asawa, subalit hindi  ito hadlang upang hindi isagawa ang tradisyong ito.




  • Saudi arabia-sa lipunang arabo, nananatili pa rin ang mababang katayuan ng kababaihan sa lipunan.Ang diskriminasyon laban sa kababaihan ay sinasabing wala sa mga aral ng Islam na may paniniwala sa Ummah o konsepto ng pagkakapantay-pantay ng lahi,kasarian o uring panlipunan.Subalit dahil sa ilang salik,hindi ito ganap na naipatupad ng bansang arabo.Sa Afghanistan,nangibabaw ang Taliban dito kaya napilitang magsuot ng burka ang mga babae o ang pagsusuot ng tela na takip ang buong katawan



Mga babaeng nakaputing burka







  • Pilipinas-kinakaharap ngayon ng pilipinas ang mabilis na paglaki ng populasyon.Ito ngayon ay ayon sa United States Fund na nagdeklarang apat na sanggol ang ipinapanganak bawat minuto simula taong 2000.Dahil dito madaling maipasa ang mga malulubhang sakit tulad ng HIV(human immunodefficiency virus,AIDS(acquired immuno defficiency syndrome).Noong taong 2004 naitalalang may 1,810 kaso ng HIV at AIDS ayon sa pamahalaan.Noong 2003 ,nagpahayag si pangulong Gloria Macapagal Arroyo na pagsuporta sa rythm method,isang uri ng pamamaraan ng pagpaplano ng pamilya kung saan hindi magtatalik ang magasawa sa panahon ng ovulation ng babae.